asalbata

Archive for December, 2009|Monthly archive page

Sa Wakas

In Kwento ng Pag-asa on December 31, 2009 at 8:57 am

Sa mahigit anim na buwang pag-ba-blog ko kay nag ka PR narin ang pinakaiingatigatan kong blog. Matagal na akong nag tatampo sa Google kung bakit hindi niya pa ako ginagantipalaan ng kahit isang PR, gayong ang mga iba kong kilala ay may PR na kahit na mas aktibo ako sa pag update ng blog ko. Noon ay araw-araw akong nanabik sa bawat resultang pedeng ilunsad ng Google para sa blog ko hanggang dumating ang araw na nasawa narin ako kababantay ng PR kaya hinayaan ko nalang.

Hindi na inalintana ang PR bagkos ay patuloy parin ako sa pag boblog dahil ito narin siguro ang trabaho ko kaya wala naman akong magagawa kundi mag blog , may PR man o wala. Nitong mga nakaraang araw ay naging abala ako sa Sikat ang Pinoy Palarong SEO na syang nilalaanan ko ang oras gamit ang website na http://www.laganap.com. Hindi ko na masyadong napaglalaanan ng oras ang sarili kong blog kung kayat nabigla nalamang ako nang magkaroon ito ng PR 2. Masayang masaya ako dahil dumating na aking medalya galing sa Google.

Magandang papasko iyon ng google at mas lalo pa akong gaganahan sa pag boblog. Kaya naman mas lalu ko pang pag iigihan ang pag boblog kalakip ang pag nanasang manalo sa Sikat ang Pinoy. Tila isa akong batang niregaluhan ng lollipop. Hanggang sa muli!

Gantimpala sa Hindi Bago

In Kwentong walang kwenta on December 24, 2009 at 7:14 am

Karamahin ng bago ay ma kakabit na kagandahan subalit kabagligtaran naman iyon ng isang pinagsawaan. Ginamit nang iba, luma sa madaling salita. Kalimitang dinudusta ng maraming mapangmatang nilalang. Hindi man minalagi subalit ramdam mo parin ang maling pakikituring sa luma , at hindi bago na lagi napag iiwanan. Bago, bago, bago, at ngayon ay ihihiwang-bigkas ko kayo sa aking kwento baka magpabago sa luma nyong pananaw tungkol sa luma at bago.

Isa itong karanasan na di ko kinalap ang libro para matutunawan at hindi rin naman ako klase ng tao na mangangalap para matuto. Habang ang lahat ng tao ay gusto sa bago, maging sa babae ako naman ito di alintana na magkaroon na karelasyong di na maiituring na bago kung kamunduhan ang paiiralin. Samantalang para sa akin ay kababawan lang ang lipi sa ganung antas, kung kaya’t wala rin sa aking isip kung anung sabihin nila. Hindi nawala ang pag-ibig ko sa aking kasintahan datapwat ang mga mapanghusgang tao ay nariyan. Kinanti nila ako ng mga tanung na tila tutunaw sa aking katinuan sabay ang pag hahamon sa isang tanung na – “anu ang iyong naibigan sa girlfriend mong napagsawaan?” Napaisip dahil di ko naisip na makakarinig ako ng ganung ka wirdong tanong. Kayat bahagyan ko syang sinuklian sa kanyang tanung.

“Minsan gusto kong bumili ng motor na segunda mano?” ani ko, “at bakit?” tanong niya. “At para hindi ko na ibebreak-in.” “at ngaun kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mo?” panapos ko.

Sadyang napakamapaglaro ng tadhan, na ang minsan hindi mo alam kung ikaw ang kanyang pinaglalaruan o siya ang iyong tinitripan. Hanggang ngayon bukas parin ang pag iisip ko para sa mga lumang bagay, dahil ang bago pwedeng malu, ngunit hind ang luma. Ang kagandahan ika ko nga sa simula ay sa umpisa lamang.

Salamat sa mga nag bigay panahon sa walang kwenta kong latha, sinubukan ko lang sinugin ang mga wala kong kwentang oras. At ngaun ako itong nagtataka, sino kaya ang walang kwenta? ako na nag sulat ng walang kwenta o ikaw na nag-babasa.^_^

Para sa iba ko pang mga artikulo mag ampon lamang sa aming inang website : Sikat ang Pinoy

Palimos po

In kwentong bata on December 23, 2009 at 2:25 am

Natural na sa araw ko ang pag bagtas ng isang kilomentro upang tumunggo sa paaralan. Di alintana ang mga sasakyang rumaragasa na tila walang pakialaman ang mga taong may kanya kanyang pupuntahan. Sabi ko ganun talaga ang buhay may paulit-ulit subalit may sari-sariling patutungguhan. Kasabay ang mga batang araw araw ko naring nadadaanan sako dadako sa isip ko na maswerte parin ako dahil nakakapag aral parin kahit papaanu. Samantalang halos araw-araw din akong nag rereklamo sa mababa kong baon.

Isang araw habang inuubos  kasama ng kaibigan ko ang oras namin sa ilalim ng mga ulam na tila higit na mabagal kong hihintayin ay bigla ko naisipan bahagyang hawiin ang inip ng isang kwento. Tungkol sa mga batang suki na kung baga ng aking paningin ay aking ibinahagi ang isang kaisipan na alam ko aman di sya agad sasang-ayon dahil kilala ko sya higit ng iba kung pananaw lang ang pag uusapan.

“Nakaka-awa sila pare nuh?” winika ko sabay kumpas sa direksyon ng mga batang masayang kumakain ng kanilang nalimos. Sabay ang ganti niyang, “Wala parin di iyon kahit kaawaan mo sila kung wala ka namang ginagawa jan para sa kanila at siguro nga mas nakaka-awa ka dahil hindi mo kayang mang-limos ng kasiyahan”